Mga nasawi dahil sa sama ng panahon dulot ng pinagsamang LPA, Northeast Monsoon at Shearline, sumampa na sa 20

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi bunsod nang naranasang sama ng panahon.

Sa pinaka huling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, sampu ang kumpirmado at sampu rin ang patuloy pang beneberipika.

Sa nasabing bilang, anim sa Region 8, lima ang mula sa Region 5, apat mula sa Region 9 at sampu at isa sa Region 11.


Maliban dito, mayroon ding isa na napaulat na nawawala at walo ang nasaktan.

Samantala, ayon pa sa NDRRMC 133, 258 mga pamilya o katumbas ng mahigit 552,000 mga indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon mula sa 744 na mga brgy sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12 at BARMM.

Facebook Comments