Panukala para sa mas mabigat na parusa laban sa mga nuisance candidates, lusot na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9557 na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga nuisance candidates sa halalan.

Sa botong 191 na sang-ayon at wala namang pagtutol ay napagtibay ang panukala na layong mapanatili ang integridad ng electoral process laban sa mga nuisance candidate.

Inaamyendahan ng panukalang batas ang Omnibus Election Code.


Ang mga mapapatunayang nuisance candidate na lilikha ng kalituhan o gulo sa electoral process ay posibleng maharap sa multang P100,000.

Ang mga kasabwat din ng mga pampagulong kandidato ay mahaharap din sa multang P100,000.

Sa Pilipinas ay naging kasanayan na ng iba ang paggamit ng nuisance candidate kung saan modus dito ang paggamit ng parehong pangalan o apelyido para lituhin ang mga botante o kaya naman ay ginagamit ng ibang pulitiko para pahinain ang boto ng mga kalaban sa posisyon.

Facebook Comments