Panukala para sa mga patakaran at serbisyo sa mga LWDs, pinagtibay na sa Kamara

Pinagtibay na ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa magkakasalungat na probisyon kaugnay sa polisiya at serbisyo para sa mga mag-aaral na may kapansanan.

Inaasahang maisusumite na sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan at maging ganap na batas ang House Bill 8080 at Senate Bill 1907.

Sa ilalim ng panukala ay isinusulong ang karapatan ng mga Learners with Disabilities (LWDs) sa pamamagitan ng pagpopondo at pagkakaloob ng libreng dekalidad na edukasyon at pantay na oportunidad para makapaghanda ang mga ito sa kanilang hinaharap.


Tinitiyak din dito ang “welfare and development” ng mga LWDs upang matiyak ang kanilang “full inclusion” sa lipunan gayundin ang pagtitiyak ng “access” at karapatan sa health care at rehabilitation services.

Bubuo naman ng mga inclusive educational policies o mga programa, kung saan ikukunsidera at irerespeto ang mga “special requirement” o pangangailangan ng mga may kapansanan.

Magtatatag din ng Inclusive Learning Resource Centers (ILRCs) sa bawat school districts sa bansa para maisama ang mga LWDs sa pormal na school system sa mga “least restrictive” na mga lugar.

Facebook Comments