Milyon-milyong doses ng mga donasyon na bakuna, sunud-sunod na dadating sa bansa ngayong araw

41

Mahigit 6 million doses ng COVID-19 vaccines ang sunud-sunod na dadating sa bansa ngayong araw.

Ang naturang mga bakuna ay pawang donasyon ng iba’t-ibang bansa sa Pilipinas.

Kabilang dito ang 1,512,000 doses ng Moderna na donasyon ng France at Spain.


Pasado alas-4 naman ngayong hapon dadating ang 945,600 doses ng Johnson&Johnson ng Janssen na donasyon ng Dutch government.

Bago mag alas-6 naman mamayang gabi dadating ang 2-million doses ng Sinovac na donasyon ng China sa Pilipinas.

Habang pasado alas-7 mamayang gabi dadating ang 1,778,400 doses ng Johnson&Johnson vaccines na donasyon sa Pilipinas ng Austria at Swedish Government.



Facebook Comments