Manila, Philippines – Isasalang na sa Bicameral conference committee o bicam bersyon ng Kamara at Senado ng cheaper electricity bill o panukalang gamitin ang pondo mula sa Malampaya para maibaba ang presyo ng bayaran sa kuryente.
Mayroon ng nabuong panel ang mga senador at kongresista para sa bicam pero wala pang pulong kung kailan ito gagawin.
Nakapaloob sa panukala na gagamitin ang 207-billion Malampaya funds para bayaran ang mga utang ng National Power Corporation o NAPOCOR na kasama sa binabayaran natin sa kuryente.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, posibleng mabawasan nito ng .84 centavos per kilowatt hour ang bayad sa kuryente.
Facebook Comments