Panukala para sa P750 uniform minimum wage bill sa buong bansa, ipinapaprayoridad at pinasesertipikahang urgent sa Malacañang

Umapela ang Makabayan bloc sa Kamara na iprayoridad ang pagpapatibay sa panukala para gawing P750 ang minimum wage bill sa bansa sa gitna na rin ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin.

Kasabay rin nito ang pagkalampag kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang nasabing bill.

Sa House Bill 246 o ang National Minimum Wage Bill, layon nito na ipatupad ang uniform o pare-parehong rate ng sahod sa buong bansa na P750 para sa mga empleyado sa pribadong sektor.


Sa NCR ay nakakatanggap ang mga workers ng P537 kada araw, pinakamataas na minimum wage rate sa bansa habang ang Bicol region ang may pinakamababang minimum wage na P310 kada araw.

Iginiit pa ng Makabayan bloc na long overdue na ang isinusulong nila na National Minimum Wage Bill.

Sa panahon lang ng Duterte administration, dalawang beses nilang inihain ang panukala noong 17th at 18th Congress pero hindi man lang ito nagawang matalakay.

Facebook Comments