Panukala para sa pagamyenda sa Foreign Investment Act (FIA) of 1991, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukala para amyendahan ang RA 7042 o ang “Foreign Investment Act (FIA) of 1991”.

 

Sa botong 201 YES, 6 NO at 7 ABSTAIN ay nakalusot pa rin ang House Bill 300 na naglalayong luluwagan ang restrictions sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa Pilipinas.

 

Sa oras na maging ganap na batas ay ibababa sa 15 mula sa 50 ang minimum employment requirement ng direct local hires sa mga small at medium domestic enterprises na itinatag ng mga foreign investors.


 

Maaari na ring makapagbukas ng negosyo at mamuhunan ang mga dayuhan sa halagang $100,000.

 

Tinitiyak ng pangunahing may-akda ng panukala na si House Ways and Means Chair Joey Salceda na hindi maaapektuhan ang local industry dahil maglalatag ng mga kategorya na kung saan may mga industriya na hindi naman papayagan na dayuhan ang magtrabaho at manungkulan.

 

Sa ilalim nito papayagan na rin na magpractice ng kanilang propesyon ang mga dayuhan.

 

I-u-update at i-re-review din taun-taon ang Foreign Investment Negative List (FINL) para mas makahikayat ng mga foreign investors para mamuhunan sa iba’t ibang industriya sa bansa.

 

Makakatulong ayon kay Salceda ang pagalis ng limitasyon sa mga dayuhang mamumuhunan para sa mas maraming oportunidad, dagdag na trabaho, pagdagsa ng investment at pagdami ng competition ng mga industrya na tiyak na magbebenepisyo ang publiko.

Facebook Comments