Lalaki nagluto ng almusal sa niloobang bahay, inutusan ang may-ari na matulog uli

Imbis na manguha ng mga gamit at umalis, nagluto ng almusal ang binatang nanghimasok sa isang bahay sa Florida noong Martes, Setyembre 3.

Sa ulat ng Fox 13, kinilala ng awtoridad ang suspek na si Gavin Crim, 19-anyos na Marino.

Pumasok umano si Crim mula sa likurang pinto ng bahay, nagluto, at nang madiskubre ng may-ari ng bahay, sinabihan pa niya itong “go back to sleep.”


Hindi naman natinag ang hindi pinangalanang biktima at sinabi sa suspek na isusumbong siya nito sa pulisya.

Kasunod nito, dali-daling lumabas si Crim, na natagpuan ng awtoridad na nagtatago sa likuran ng bahay.

Base sa ulat, nasa impluwensiya ng alak ang suspek na inaresto, ngunit nakalabas din nang mag-pyansa ng $1,000 o halos P52,000.

Facebook Comments