Inendorso na ng senate committee in public services at committee on local government ang panukalang batas para sa pagpasada ng mga motorsiklo.
Ayon kay Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe, pirmado na ng 16 na mga Senador ang inilabas niyang committee report.
Nakapaloob sa panukala na papayagan na sa buong bansa ang pagpasada ng mga motorsiklo bilang Public Utility Vehicle o PUV katulad ng mga regular na taxi, jeep at bus.
Itinatakda ng panukala na ang motorsiklong papasada ay hindi bababa sa 1,000 kilograms ang bigat, kayang tumakbo ng 50-kilometro kada oras, at mayroong minimum engine displacement na 125 cubic centimeters at may backbone-type built.
Para makapasada ay kailangang may certificate of public convinience o special permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.