Panukala para sa pagpapaliban ng Barangay at SK election, isusumite na sa Pangulo ngayong araw

Manila, Philippines – Iaakyat na ng Kongreso sa Pangulong Rodrigo Duterte ang kopya ng pinagtibay na panukala para sa tuluyang pagpapaliban ng Barangay at SK Elections na nakatakda sana ngayong Oktubre.

Matapos i-adopt kagabi ng Kamara ang Senate version ng panukala, isusumite na ito sa palasyo para malagdaan ni Pangulong Duterte upang maging ganap ng batas.

Dahil inadopt na ang panukala, hindi na ito idadaan sa bicameral conference committee.


Inaasahan na pwedeng malagdaan na ito ng Pangulo sa Linggong ito.

Salig dito, idaraos ang halalang pang Barangay at SK sa Mayo ng susunod na taon habang mananatili sa posisyon ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay hanggang sa matapos ang halalan.

Facebook Comments