Muling binuhay sa Kamara ang panukala para sa pagtatatag ng Department of Water, Sewage and Sanitation (DWSS).
Matatandaang ang panukala ay kabilang sa mga nabanggit na prayoridad na mga legislative measures ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA).
Layunin ng House Bill 1014 na tiyakin ang matatag na paggamit at pamamahala sa water resources ng bansa.
Sa ilalim ng panukala ay target na gawing mas episyente ang resource management ng tubig, sewage at sanitation sa pamamagitan ng paglikha ng DWSS.
Makakatulong ang panukala para makamit ng bansa ang universal access sa ligtas, sapat, abot-kaya at matatag na serbisyo ng tubig at kalinisan sa mga Pilipino.
Ang DWSS ang magtatakda ng polisiya para sa water supply, sewage at septage management; siya rin ang mamamahala sa pinagkukunan ng tubig ng bansa upang matiyak ang pinakamainam na paggamit sa tubig kasama ang land at water preservation; magtatayo, magpapanatili at magbabantay ng mga water-related infrastructure upang masiguro ang quality at accessibility; at magsusulong ng domestic adoption ng mga polisiya para makamit ang universal access sa tubig at kalinisan.