Dalawang restaurant sa Amerika na pagmamay-ari ng Pinoy, nakatanggap ng Michelin star

87

Dalawang Filipino-owned restaurant sa Amerika ang ginawaran ng French tire company na Michelin ng one-star rating.

Ito ay ang mga Japanese restaurant na Soseki at Kadence na parehong matatagpuan sa Orlando, Florida.

Ayon kay Michael Collantes na may-ari ng Soseki, labis niya itong ikinagulat at para sa kaniya ay isa itong culimination sa ilan taon niyang pagsusumikap sa food industry.


Para naman sa may-ari ng Kadence na si Mark Berdin, nakatulong ang traditional Filipino hospitality katulad ng pagpapatugtog ng karaoke sa restaurant sa pagkamit ng naturang tagumpay.

Ginagawaran ang Michelin star sa isang restaurant para sa kanilang bukod-tanging galing sa pagluluto ng pagkain kung saan tinitignan din nila ang ilang bagay tulad ng kalidad ng mga sangkap, personalidad ng chef sa kanilang hinahain at maging ang consistency sa kalidad na inihahaing pagkain sa paglipas ng panahon.

Facebook Comments