Panukala para sa pantay na benepisyo sa mga senior citizen, aprubado na sa komite ng Kamara

Pinagtibay na sa House Special Committee on Senior Citizens ang House Bill 9773 o ang panukalang “Pensioners’ Equal Benefits Act.”

Layunin ng panukala na mabigyan ang lahat ng mga pensioner sa bansa ng pantay na mga karapatan, benepisyo at prebilehiyo sa ilalim ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Isinusulong din na maitama ang umiiral na diskriminasyon at pagkaltas o pagkakait ng mga benepisyo sa hanay ng mga pensyando.


Kabilang dito ang “annual Christmas cash gifts” at pagtaas sa pension rate, na hindi kasama sa ilalim ng Republic Act 7699 o ang Portability Law.

Magkagayunman, may pag-aalinlangan ang Government Service Insurance System (GSIS) sa panukala dahil hindi kasama sa mga binibigyan ng cash gifts ang mga pensioner sa ilalim ng Portability Law.

Facebook Comments