PAO Chief Acosta, pinayuhan na sundin ang COVID-19 regulation sa workplace

121

Pinaalalahanan ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na sundin ang umiiral na regulasyon sa workplace ng mga hindi pa bakunadong kontra COVID-19.

Batay sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang mga manggagawa na nag-re-report sa trabaho ay kailangan bakunado.

Pero kung hindi pa ay kailangan nitong magpa-RT-PCR o antigen testing isang beses kada dalawang linggo.


Personal namang hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque III si Acosta na magpabakuna na kontra COVID-19.

Ayon kay Duque, mas makabubuting magpabakuna na si Acosta para magkaroon ng dagdag proteksyon laban sa COVID-19.

Nauna nang sinabi ni Acosta na hindi pa siya nagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil sa health concerns at sa kaniyang edad.



Facebook Comments