Panukala para sa regulasyon ng mga Transport Network Vehicles, ipinaaapruba agad sa pagbabalik sesyon sa Kamara

Manila, Philippines – Hiniling ni Abra Rep. JB Bernos sa Kamara na isama sa prayoridad ang panukalang nagpaparegulate sa operasyon ng Transportation Network Vehicle Service o TNVS tulad ng UBER at GRAB.

Sa ilalim ng House Bill 4085 ni Bernos, itinatakda ang mahigpit na panuntunan para sa accreditation ng TNCS at ang accreditation na ito ay balido sa loob ng dalawang taon.

Obligado din ang insurance policy na ididisplay sa loob ng sasakyan ng TNVS para panatag ang loob ng mga pasahero.


Ipinasasapubliko din sa TNCS ang paraan ng fare calculation nito at magpapadala ng electronic receipt sa bawat naisasakay na pasahero.

Itinatakda din ang No Discrimination Policy sa mga TNVS para hindi pwedeng mamili ng pasahero.

Facebook Comments