2 miyembro ng Abu Sayyaf Group – patay sa sagupaan sa Patikul, Sulu

Patikul, Sulu – Patay ang dalawang bandidong Abu Sayyaf sa sagupaan sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Bgen. Cirilito Sobejana, grupo nina Abu Sayyaf sub-leaders Jamiri Jaong Jawhari at Basaron Arok ang nsa 30 bandido na nakasagupa ng militar sa Sitio Tubig, Kawas, Barangay Bungkaong.

Maliban sa mga nasawing bandido, may dalawang iba pang ASG member ang nasugatan at nasamsam din ang isang machinegun, 2 m-16, 2 m203 grenade launchers, mga bala at iba’t ibang uri ng gamit pandigma.


Binabanggit din na may isang sundalo ang nasugatan sa sagupaan na naganap mag-aalas 6:30 ng umaga kanina.

Narekober ng militar ang isa sa bangkay ng mga napatay na bandido.

Facebook Comments