Panukala sa Pagbabago ng Traffic Scheme sa Cauayan City, Isabela, Sisimulan Na!

*Cauayan City, Isabela-* Pinaghahandaan na ng City Planning and Development Office at ng Public Order and Safety Unit (POSU) ang pagsasagawa sa kanilang ipinanukalang Dry run para sa pagpapatupad ng bagong Traffic Management ngayong taon na magsisimula nitong ika-anim hanggang ika-dalawampu ng Agosto.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Oliver Francisco, ang City Planning and Development Coordinator ng Lungsod ng Cauayan, Layunin umano ng isasagawang Dryrun na ipaalam sa mga Cauayeṅong motorista ang kanilang bagong batas trapiko na mayroon ng one-way, two way at U-turn zone para sa lahat ng mga motorista.

Layunin din ng naturang dryrun na maayos ang daloy ng trapiko dito sa Lungsod.


Maglalagay umano sila ng mga tarpaulin upang maipalaam ang mga maaapektuhan ng one-way at two-way na daan dito sa ilang parte ng Lungsod na dapat daanan ng mga motorista.

Hinihingi naman ni ginoong Francisco ang kooperasyon ng lahat mga motorista upang makamit ang magandang daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Samantala, dahil sa kasalukuyang widening sa mga lansangan ay sisimulan na muna ang Dryrun mula sa Rizal Park hanggang sa Tagaran Bridge.

Facebook Comments