PANUKALANG ₱150 ARAWANG DAGDAG-SAHOD SA MGA MANGGAGAWA, TINUTULAN NG ILANG EMPLOYER SA DAGUPAN CITY; MGA MANGGAGAWA SA LUNGSOD NATUWA

Matatandaan na aprubado na sa Senado ang panukalang 150 pesos across the Board Wage Increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong business establishment sa buong bansa ngunit umalma at tinutulan ng ilang pribadong employers sa Dagupan City ang naturang panukala.
Sa pagtatanong-tanong ng IFM Dagupan sa iba’t ibang pribadong business establisyemento sa lungsod, ay kanilang tinutulan ang naturang panukala na dagdag 150 pesos pasahod sa kanilang mga manggagawa dahil anila, sa panahon ngayon mahirap pang magdagdag dahil ang ilan sa kanila ay bumabawi pa lamang sa naging epekto ng pandemya.
Ayon pa sa kanila, papayag naman daw umano sila sa panukala ngunit huwag agad-agad ipapatupad, kagaya na lamang ng nakaraang dagdag-sahod noong mga nakaraang buwan, na hinati-hati ang dagdag na sahod. Kaya’t suhestiyon nila, ang sinasabing 150pesos increase ay dapat unti-untiin o may 1st, 2nd at 3rd tranche para hindi magiging masakit sa kanila.
Samantala, sa paghingi ng iba’t ibang reaksyon ng IFM Dagupan sa mga manggagawa ay kanilang ikinatuwa ang panukala dahil magiging malaking tulong ito sa kanilang pang-araw araw na gastusin.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa Department of Labor and Employment – Central Pangasinan Director na si Agnes Aguinaldo, magkakaroon muna ng konsultasyon ang ahensya at Regional Tripartite Wage Board kasama ang mga employers sa rehiyon sa susunod na linggo para pag-usapan ang naturang panukala para sa mga manggagawa.
Facebook Comments