Manila, Philippines – Niratipikahan na ng Kamara at Senado ang panukalang Student Fare Discount Act.
Layunin ng panukala na bigyan ng 20-porsyentong diskwento ang mga estudyante sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon, maging weekend at holidays.
Sakop ng discount ang land, rail, air at water transportation.
Ayon kay Senador Bam Aquino, principal author ng panukala, mapagtitibay ng panukala ang mandatong bigyan ng diskwento ang mga estudyante.
Ang house version nito ay ini-akda naman ni Quezon City Representative Alfred Vargas.
Kapag naisabatas, lahat ng estudyanteng Pilipino – mula elementarya hanggang kolehiyo maging ang mga naka-enroll sa technical-vocational schools ay mabibigyan na ng 20% discount sa bus, jeepney, taxi, tricycle, Transport Network Vehicle Services o TNVS, MRT at LRT, maging sa airlines at passenger ships.
Hindi namang sakop ng diskwento ang mga naka-enroll sa dancing at driving schools, short-term courses sa isang seminar, post-graduate studies tulad ng medicine, law, masteral at doctoral degrees.