Panukalang 2019 budget, posibleng malagdaan ni PRRD sa kalagitnaan ng Marso

199

Manila, Philippines – Posibleng mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagitnaan ng Marso ang panukalang ₱3.757 trillion 2019 national budget.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, hindi pa natatangap ng Malacañang ang kopya ng General Appropriations Bill.

Paliwanag pa ng kalihim, posibleng abutin pa ng isang linggo ang pag-imprenta nito at dagdag na limang araw para pag-aralan ng ahensya ang budget saka makapaglabas ng ”statement of difference”.

Pagkatapos nito, dito pa lamang maibibigay kay Pangulong Duterte ang kopya ng national budget at ang rekomendasyon para sa pagpirma rito.

Facebook Comments