Bagong Pinuno ng 5th Infantry Division, Itinalaga na!

887

*Gamu, Isabela- *Itinalaga na ngayong araw bilang bagong pinuno ng 5th Infantry Star Division, Philippine Army si Brigadier General Alden Juan C. Masagca matapos palitan ang Commanding General ng 5ID na si Major General Perfecto M. Rimando Jr.

Pormal na rin na nagretiro si MGen. Perfecto M. Rimando Jr dahil naabot na nito ang mandatory retirement age na 56 taong gulang ngayong araw.


Pinangunahan naman ni LtGen. Macairog Alberto ang turnover ceremony na ginanap sa 5ID Grandstand, Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Sa pamumuno ni retired MGen. Rimando Jr, marami itong nagawang accomplishments sa kanyang pamunuan kabilang na ang pagpapatayo ng International Firing Range.

Inaasahan naman ng buong tropa ng 5ID na maipagpapatuloy pa rin ng bagong talagang pinuno ang mga magagandang nasimulan ni retired MGen Perfecto M. Rimando Jr. para sa seguridad at ikabubuti ng taong bayan.

Abangan ang iba pang karagdagang detalye kaugnay sa turnover of Command ceremony para sa bagong Division Commander ng 5ID.

Facebook Comments

From Advertisers