Muling mabibinbin ang paglalagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahihintay na ₱3.757 trillion 2019 national budget.
Ito ay matapos i-urong ng Malacañang ang signing ng General Appropriations Bill na nakatakda sana sa Lunes, April 15.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – posibleng malagdaan na ito ng Pangulo pagkatapos ng Semana Santa.
Sa ilalim ng konstitusyon, anumang panukalang batas na hindi mapipirmahan o mave-veto ng Pangulo ay awtomatikong magiging batas 30 araw matapos itong ipasa ng Kongreso.
Nabatid na ang enrolled copy ng budget bill ay ipinadala noong March 26.
Sa ngayon, ang re-enacted budget pa rin ang ginagamit ng gobyerno.
Facebook Comments