Panukalang 2020 budget, target isumite ng DBM sa ikalawang linggo ng Agosto

Target ng Department of Budget and Management (DBM) na isumite ang ₱4.1 trillion national budget para sa taong 2020 sa ikalawang linggo ng Agosto.

Ayon kay Budget acting Secretary Jane Abuel – ginagampanan lamang nila ang constitutional duty na ipasa ang panukalang budget 30-araw pagkatapos magbukas ang Kongreso.

Ang 2020 budget ay 12% na mas mataas kumpara sa ₱3.66 trillion budget para sa taong ito.


Ang spending program ng susunod na taon ay katumbas ng 19.4% ng Gross Domestic Product (GDP).

Ang panukalang 2020 budget ay patuloy na popondohan ang public infrastructure at social services, paglalaanan din nito ang mga priority programs ng Duterte administration gaya ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, Universal Health Care Act, Bangsamoro Organic Law, Rice Tariffication Act at Department of Human Settlements and Urban Development Act.

Kasama rin sa bubuhusan ng pondo ay ang K-to-12 Program, Free Higher Education Law, Unconditional Cash Transfer Program, Disaster Risk Resiliency Program at Coastal Resource Management Program.

Ang 18th Congress ay magbubukas sa July 22 kasabay ng pagbibigay ng ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments