Nakatakdang aprubahan ng Kamara at Senado ang pinag-isang bersyon ng panukalang 4.1 Trillion Pesos 2020 National Budget ngayong araw.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, magko-convene amg Bicameral Conference Committee mamayang umaga para talakayin ang isapinal ang draft ng budget.
Ang panel ay binubuo ng 23 Kongresista at 14 na Senador na pangungunahan nina House Appropriation Committee Chairperson, Davao City Rep. Isidro Ungab at Senate Finance Committee Chairperson, Sen. Sonny Angara.
Sa hapon naman ay inaasahang mararatipikahan na ang panukalang pambansang pondo.
Ang Kamara ay mayroong ng 9.5 Billion Pesos na realignments sa budget, habang ang Senado ay mayroong realign budget na aabot sa 206 Billion Pesos.
Facebook Comments