Target ng Kongreso na maipasa na sa unang linggo ng Disyembre ang panukalang ₱4.1 trillion national budget.
Ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto III kasunod ng pagtatapos ng interpellation ng panukala kahapon sa Senado.
Ayon kay Sotto, bukas ay nakatakda na nilang pag-usapan ang magiging pag-amyenda habang tatalakayin naman nila sa Martes ang ikalawa at ikatlong pagbasa ng 2021 budget.
Kasunod nito, sa Nobyembre 25 aniya dapat ay nai-print na nila ang kopya upang maaprubahan na ng Bicameral Conference Committee kinabukasan.
Kumpiyansa rin si Sotto na pinaka-maagang petsa na ang Disyembre 6 para maratipikahan ang panukala kahit na mayroong ilang probisyon na dapat mapagkasunduan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Facebook Comments