Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang 5.024 trilyong piso na panukalang pondo para sa susunod na taon.
22 mga senador ang bumoto pabor, walang nag-abstain at walang kumontra.
Ayon kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, pinaka-adhikain ng panukalang badyet na maipagpatuloy ang pag-ahon ng bansa mula sa pandemiya.
Binigyang prayoridad ng Senado sa latag ng 2022 budget ang sektor ng kalusugan at edukasyon na parehong humaharap sa matitinding hamon hatid ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments