Posibleng umabot sa higit P5 trilyon ang panukalang budget para sa taong 2022.
Ito ang inihayag ng Development Budget Coordination Committee kasabay ng inaasahang pagbangon ng ekonomiya sa mga susunod na taon.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado, mas mataas ito kumpara sa panukalang budget sa susunod na taon na P4.5 trillion.
Ito aniya ang kanilang target upang matustusan ang mga proyekto ng pamahalaan sa 2022.
Paliwanag ni Avisado, inaasahan kasing makakabawi na ng 6.5 hanggang 7.5% ang Gross Domestic Product (GDP) sa 2021.
Samantala, tinatayang bumaba ng nasa negative 8.5 hanggang 9.5% ang target na paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon dahil sa epekto ng COVID-19 crisis.
Facebook Comments