
Inihayag ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio na ang pambansang budget para sa 2026 ay walang pinag-iba sa mga nakalipas na budget ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na puno ng korapsyon.
Sa kanyang Turno en contra sa session ng Kamara ay iginiit ni Tinio na ang budget na galing sa dugo’t pawis ng sambayanang lubog sa baha ay ginagawang “pool of corruption” na nilalanguyan ng mga korap.
Ayon kay Tinio, ang nabunyag na flood control corruption scandal ay nagpapakita na habang rumaragasa ang pagbaha ay tinatangay naman ang pera ng taumbayan papunta sa bulsa ng iilan.
Giit ni Tinio, dapat managot ang lahat ng sangkot sa katiwalian.
Panawagan ni Tinio, ang inalis na ₱255-billion pesos na pondo para sa flood control projects ay makabubuting ilaan sa edukasyon, kalusugan at pabahay.
Tinuligsa rin ni Tinio ang kalokohan sa Unprogrammed Appropriations na nakapaloob sa taunang pambansang budget.









