9 na tripulanteng mangingisda sa Bajo de Masinloc, nasagip ng PCG matapos masira ang bangka

Matagumpay na nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyam na tripulante na sakay ng nasirang bangkang pangisda sa karagatang sakop ng Bataan.

Ayon sa PCG, umalis ang FV Seriako 1 noong October 1 para mangisda sa Bajo de Masinloc pero napilitang bumalik matapos masira ang makina kinabukasan.

Kasunod nito, nagsagawa ng search and rescue operations ang BRP Cape San Agustin kung saan nakita agad ito makalipas ang mahigit 40 minuto.

Dalawa sa siyam na tripulante ang sugatan at binigyan ng paunang-lunas habang nasa mabuting kalagayan naman ang iba pa.

Hinila na rin ang bangka papuntang Mariveles, Bataan at ipinasa na ang Fishing Vessel Jasmine Rose patungong Barangay Sisiman sa naturang bayan.

Facebook Comments