Panukalang 2026 national budget, planong ipasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa ngayong araw

Target ng House of Representatives na aprubahan ngayon araw sa ikalawang pagbasa ang panukalang P6.793-trillion national budget para sa taong 2026.

Ayon kay Lanao del Sur. Rep. Zia Alonto Adiong na isa sa mga Vice Chairman ng House Appropriations Committee, gagawin ito ng Kamara sa plenaryo session mamayang hapon.

Binanggit ni Adiong na inaasahan din ang paglalatag ng mga ammendments sa proposed national budget lalo na mula sa panig ng minorya.

Sabi ni Adiong, kapag naaprubahan na ang mga ammendments kasama ang mga rekomendasyon ng Budget Amendments Review sub-committee ay maari na nilang ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang 2026 General Appropriations Bill sa susunod na linggo.

Facebook Comments