Panukalang 4.5 trilyong pisong National Budget para sa 2021, aprubado na sa Senado; Senador Angara, pinasalamatan ang mga kasamahan

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang 4.5 trilyong pisong National Budget para sa 2021.

Ginanap ito sa hybrid session kung saan sa botong 22 pabor, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 7727.

Ilan sa mga pagbabagong nakasaad sa 2021 National Budget ay ang pondo sa; Health, Energy, Social Welfare, Agriculture, Tourism, Imprastruktura, Labor, Trade and Industry, Local Government, Education, Transportation, Peace and Order at Arts, Culture and Sports.


Nagpasalamat naman si Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, sa lider at kasamahan sa Senado sa paghimay sa budget bill at pananatili sa schedule para maipasa ang panukala sa tamang panahon sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng bansa.

Samantala nagtalaga na ang Malaking Kapulungan ng Kongreso ng mga kinatawan para pinal na plantsahin ang 4.5 trilyong pisong 2021 General Appropriations Bill (GAB).

Sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco, nagtalaga ng 21-member contingent sa bicameral conference committee para matiyak na malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget bago matapos ang 2020.

Ang delegasyon ay pangungunahan ni ACT-CIS Partylist at chairman ng House Committee on Appropriations Rep. Eric Yap kasama ang Vice Chairmen ng komite sina Deputy Speakers Salvador Leachon, Mikee Romero at 16 pang mambabatas.

Facebook Comments