Panukalang 56 years old na optional retirement age ng mga empleyado ng gobyerno, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 206 o panukalang ibaba sa 56 na toang gulang ang “optional retirement age” ng mga empleyado ng gobyerno mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.

Ang panukala ay inihain ng Makabayan Bloc upang maamyendahan ang Republic Act 8291 o “Government Service Insurance System Act of 1997.”

Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, suportado ang kanilang panukala ng maraming legal, rational at humanitarian considerations.


Binanggit ni Castro na tugon din ang panukala sa malawak na kahilingan ng mga pampublikong guro, mga empleyado ng gobyerno, mga nasa sektor pang-kalusugan at iba pa.

Sa ilalim ng panukala, ang mga kawani ng gobyerno na nakapagsilbi ng hindi bababa ng 15 taon at umabot na sa edad na 56 ay dapat bigyan ng kalayaan na makapag-retiro nang may kaakibat na benepisyo tulad ng pensyon habang sila ay nabubuhay.

Facebook Comments