Panukalang ayuda sa mga magsasaka mula sa RCEF surplus, lusot na sa Senado

Sa botong pabor ng 19 na mga senador ay pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill number 1927 o panukalang Cash Assistance for Filipino Farmers Act of 2020.

Kukunin ang pondo sa surplus o sobra sa taunang 10-bilyong piso na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na nakalaan sa mga magsasaka na nagmamay-ari ng isang ektarya o mas maliit pang lupain.

Base sa Rice Tariffication Law na isinabatas noong 2019, taunang paglalaanan ng 10-bilyong piso ang RCEF sa loob ng anim na taon.


Ito ay gugugulin sa makinarya at mga kagamitan sa pagtatanim ng palay, binhi ng palay at sa rice extension services tulad ng pagkakaloob ng training sa mga magsasaka.

Ayon kay Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar, na syang may-akda at sponsor ng panukala, posibleng umabot hanggang tig-5,000 piso ang bawat magsasaka kung nasa 1-milyon ang kabuuang bilang ng mga ito.

Tinukoy ni Villar base sa report ng Bureau of Customs (BOC) ay nasa 5-bilyong piso na ang surplus sa nakolektang buwis o taripa mula sa pag-angkat ng bigas.

Facebook Comments