DOH, nakapagtala ng mababa lamang na bilang ng recoveries sa COVID-19 patients sa bansa; isang Pinoy sa US, panibagong binawian ng buhay dahil sa virus

80 lamang ang naitala ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

Ang total recoveries na ngayon sa bansa ay 408,702 o 92.6%.

1,574 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa bansa ay 441,399.


Ang aktibong kaso naman ay 24,125 o 5.5%.

18 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 8,572 o 1.94%.

Samantala, isang Pilipino mula sa Amerika ang panibagong namatay sa COVID-19 sa abroad.

Ang total fatalities na ay 847.

18 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na sa hanay ng overseas Filipinos ay 11,692.

Ang active cases naman ay 3,268.

12 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 7,577.

Facebook Comments