Ngayonghindi na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang palaging pagtaasng presyo ng mga produktong petrolyo, suportado ng karamihan dito sa DipologCity ang inihain kamakailan ng mga mambabatas na kasapi ng Makabayan bloc, angpanukalang batas hinggil sa national minimum wage sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Ayonsa kanila, mali umanong ipagpalagay na mas mababa ang gastos ng pamumuhay samga rehiyon sa labas ng Metro Manila kung saan halos lahat ng presyo ng basicgoods and services sa lahat ng rehiyon ay magkatulad nationwide.
Kungtutuusin halos magkatulad lang ang presyo ng mga bilihin dito lalo na sa mgabasic goods.
Sasitwasyon ngayon, kinakailangan ng isang pamilyang may 6 na miembro ng mahigitisang libong piso para matugunan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan namalayo sa kasalukuyang halaga ng mga minimum wage.
Anila,kung tuluyan ng maging batas ang naturang panukala maibsan ang hirap nanararanasan ng ilang mga rehiyon sa labas ng Metro Manila na apektado rin sapagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sa kasalukuyang sistema,itinakda ang minimu wage sa bawat rehiyon ng mga regional wage board.