Hindi pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na layong bumuo ng Regional Investment and Infrastructure Coordinating Hub (RICH) para sa Central Luzon.
Sa kanyang veto message, kinikilala ng Pangulo ang layunin ng panukala na humikayat ng maraming pribadong mamumuhunan para suportahan ang mga proyektong imprastraktura.
Subalit, ang panukalang batas ay magiging katulad lamang ng “Build, Build, Build” Program.
Ayon pa sa Pangulo – may ilang probisyon sa panukala na may fiscal risks sa bansa at magpipigil lamang sa economic growth.
Maghahatid lamang ito ng negative revenue at fiscal implications sa mga susunod na administrasyon at magiging pabigat sa mga susunod na henerasyon.
Facebook Comments