Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang anumang panukalang batas na layong baguhin ang import tariff sa pork products.
Matatandaang ilang mambabatas ang kontra sa desisyon ni Pangulong Duterte na tapyasin ang tariff rates sa imported pork sa loob ng isang taon na layong mapalakas ang local supply at mapatatag ang presyo nito sa merkado.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iginagalang nila ang panawagan ng ilang mga mambabatas na bawiin ang Executive Order No. 128 o pansamantalang pagbaba ng tariff rates sa imported pork.
Pero sinabi ni Roque na gagamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang veto power kung may gagawing pagbabago sa tariff rates.
Sakali mang may ipapasang batas ang Kongreso na baguhin ang taripa sa imported pork, maaaring i-veto ng Pangulo ang ilang items nito tulad ng appropriation o revenue.
Gayumpaman, handa ang Executive Branch na makipagtulungan sa Lehislatura para protektahan ang mga hog raisers at consumers.