Pilipinas, makakatanggap ng 20 milyong Sputnik V vaccines mula sa Russia

Bumili na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula Russia.

Ayon sa MalacaƱang, nagkaroon ng telesummit o pag-uusap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at tumagal ito ng 30-minuto.

Binigyang diin ng dalawang lider ang pagpapalakas ng vaccine production at supplies.


Pagpapaigtingin din ang kooperasyon ng Pilipinas at Russia sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Pres. Putin sa commitment nito na palakasin ang kooperasyon lalo na sa paglaban sa pandemya.

Bukod dito, sang-ayon din ang dalawang lider na magkaroon ng ā€œsteady progressā€ sa defense at security cooperation.

Palalakasin din ang ugnayan ng dalawang bansa lalo na sa sektor ng kalakalan, agrikultura at enerhiya.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng 45th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia ngayong taon.

Facebook Comments