Manila, Philippines – Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na nagpapalawak sa saklaw ng Sotto Law o ng Republic Act Number 53.
Kung dati rati ay tanging ang mga publisher, editor at reporter ng anumang publication ang exempted sa pagsisiwalat ng kanilang source ng impormasyon para sa isang nalathalang balita.
Pero sa ilalim ng pinirmahang Republic Act 11458 ay saklaw na rin maging ang mga accredited journalist, publisher, writer, reporter, contributor, opinion writer, editor, columnist, manager, at media practitioner na kasama sa pagsusulat, page-edit, pagpo-produce at paglalahad ng balita sa publiko sa broadcast media, wire organizations at electronic mass media.
Nakasaad sa batas na hindi sila maaaring obligahing pangalanan ang kanilang source ng balita o impormasyon na ipinagkatiwala sa kanila, maliban na lamang kung idi demand ito ng korte, kamara, senado o anupamang komite ng kongreso at kinakailangan dahil sa seguridad ng estado.
Pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas nitong Agosto a trenta at magiging epektibo ang batas makalipas ang labing limang araw matapos mailathala sa dalawang pahayagan na may national circulation.