Panukalang-batas na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang dagdag-kontribusyon sa SSS, aprubado na sa komite ng Senado

Aprubado na sa Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises ang panukalang-batas na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang dagdag-kontribusyon sa mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ayon kay Senator Richard Gordon na siya ring Chairman ng komite, bibigyan dito ang Pangulo ng poder na suspindehin ang increase sa SSS contribution, hanggang anim na buwan kapag ang bansa ay nasa State of National Emergency o State of Calamity.

Ang batas ay isinulong nina; Senator Gordon, Senator Joel Villanueva, Senator Sherwin Gatchalian at Senator Imee Marcos bilang konsiderasyon sa kalagayan ng mga manggagawa at mga employer na nawalan o nabawasan ng kita sa gitna ng pandemya.


Bago ito matatandaang umapela pa ang SSS na hayaan na silang magtaas dahil maaaring manganib ang pananalapi ng ahensiya na kasalukuyang nasa masama nang kalagayan.

Facebook Comments