Wednesday, March 25, 2026

Panukalang batas na magsususpinde ng excise tax sa langis, pirmado na ni PBBM

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12316 na nagbibigay kapangyarihan sa pangulo na pansamantalang suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Batay sa batas, layunin nitong maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa merkado at sa mga mamimili.

Sa ilalim nito, maaaring ipatupad ang suspensyon o pagbabawas ng buwis kapag umabot sa itinakdang antas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, batay sa monitoring ng Department of Energy (DOE).

Maaari ring ipatupad ang hakbang sa loob ng tatlong buwan at maaari pang palawigin depende sa sitwasyon ng presyo ng langis.

Inaatasan din ang mga oil company na maging transparent sa kanilang presyo at isumite ang breakdown ng kanilang gastos sa gobyerno.

Ayon sa Malacañang, bahagi ito ng mga hakbang ng administrasyon upang maprotektahan ang mga pamilyang Pilipino laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ang batas ay magkakabisa 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may malawak na sirkulasyon.

Facebook Comments