Panukalang batas na nag-lapse into law simula nang maupo sa pwesto ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umabot na sa 41

Umabot na sa 41 ang mga panukalang batas na nag-lapse into law, simula nang maupo si Pangulong Marcos Jr., sa pwesto o simula July 1.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga nag-lapse into law ang pagpapataas ng social pension ng indigent senior citizens, Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulations Act, RA 11927 o Philippine Digital Workforce Competitiveness Act at Republic Act 11928 o ang batas para sa pagkakaroon ng hiwalay na pasilidad para sa mga indibidwal na nakagawa ng heinous crimes o karumal-dumal na krimen at iba pa.

Nilinaw rin ng kalihim na walang veto spree na ginawa si Pangulong Marcos Jr., lalo’t nasa lima lamang na panukala ang ginamitan ng veto powers ng pangulo, isa na rito ang panukalang batas na tax exemption sa mga poll workers.


Giit ni Angeles resonable ang dahilan sa pag-veto sa mga ito.

Facebook Comments