Panukalang batas na nagtataas sa sweldo ng mga kawani ng gobyerno, lusot na sa Senado

 

 

Lusot na sa third and final reading ang Senate Bill 1219 o “Salary Standardization Law of 2019.” Na magtataas sa sweldo ng mga civilian employee ng pamahalan.

 

21 senador ang bomoto pabor sa panukala, walang komontra habang tanging si Senate Minority Leader Franklin Drilon lamang ang nag-abstain.

 

Ayon kay Committee on Civil Service Chairman Senator Ramon Bong Revilla Jr. na syang nag-isponsor sa panukala, makikinabang dito ang 1.4 milyong empleyado ng gobyerno lalo na ang mga nasa salary grade 11 hanggang 19.


 

Itinatakda ng panukala ng apat na tranches ng dagdag sa sweldo na magsisimula sa Enero 2020.

 

Sa kabuuan, ay tinatayang aangat ang base pay ng halos 23.24 porsyento pagdating ng 2023 o halos P6,000 increase.

 

Nakabase ang nasabing panukala sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management na inaprubahan naman ni Pang. Rodrigo Duterte.

Facebook Comments