Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act Numner 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act na magbibigay ng mas mabigat na parusa sa mga lalabag sa mga bagong panuntunan na nakapaloob sa batas.
Batay sa batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong March 8 ay Inaatsan ang sinomang bumili ng motorsiklo na irehisto ito sa loob ng 5 araw sa Land Transportation Office o LTO matapos mabili at kung ibebenta ay kailangang ipaalam sa LTO na ibinenta na ang isang motorsiklo.
Inoobliga din nito ang LTO na gumawa ng mga plate number ng mga Motorsiklo na mas malaki at kayang basahin sa layong 15 metro at ilalagay ang mga plate number sa harap at sa likod ng motorsiklo.
Maaari namang makulong o di naman kaya ay mapagmulta ng hanggang 100 libo ang sinomang magmamaneho ng motorsiklong walang plate number at ganun din naman ang parusa sa mga mahuhuling gumagamit ng mga nakaw na plate number.
Papatawan naman ng hanggang 50 libong pisong multa ang sinomang hindi agad magrereport sa LTO na nawala ang plate number ng kanyang motorsiklo.