Manila, Philippines – Kinumpirma ng Malacañang na posibleng sertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas para makapagtalaga ng mga barangay OIC sa halip na magsagawa ng eleksyon sa Oktubre.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tiyak na magiging priority bill ang inihaing panukalang batas sa kamara.
Matatandaang sinabi noon ng Pangulo na nangangamba siyang magamit ang drug money sakaling matuloy ang eleksyon.
Noong Miyerkules, inihain na ni Surigao Rep. Ace Barbers ang house bill no. 5358 na nagpapaliban sa barangay elections ngayong taon at sa halip, gagawin na lamang ito sa May 25, 2020.
Facebook Comments