Panukalang batas para gawing libre ang pagkuha ng birth certificate at mga clearance ng mga PWD at solo parents, ihahain ngayong araw sa Kamara

Nakatakdang ihain ngayong araw ni Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Representative Erwin Tulfo ang panukakang batas na gawing libre ang pagkuha ng birth certificate at mga clearance ng mga persons with disability o PWD at Solo Parents.

Kabilang dito ang birth certificate, National Bureau of Investigation, Police, at barangay clearance, maging ang health certificate.

Ayon kay Congressman Tulfo, ang matitipid dito ay kabawasan sa gastusin ng mga may kapansanan at solo parents.


Sabi ni Tulfo, malaking tulong ito sa PWDs na kadalasan ay mayroong mga
maintenance o therapy na binabayaran habang ang solo parents naman ay solong binabalikat ang pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Sa kasalukuyang batas ay tanging first time job seekers pa lamang ang libre sa pagkuha ng nabanggit na mga dokumento.

Facebook Comments