Wednesday, March 4, 2026

Panukalang batas para mapalakas ang produksyon sa agrikultura at suporta sa mga kooperatiba, handang sertipikahang urgent ni PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakahanda siyang sertipikahang urgent ang panukalang Agriculture Cooperatives Act of 2025.

Layon nitong mapalakas pa ang kooperatiba ng mga nasa agrikultura at mapalakas ang produksyon na makatutulong sa kanilang hanapbuhay.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr. sa pamamagitan ng pag-certify as urgent ay mapapabilis ang pagiging batas nito habang patuloy namang pinag-aaralan ang mga panukalang nag-aamyenda sa Rice Tarrification Law.

Kahapon nang ipinatawag sa Malacañang ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) para talakayin ang mga suporta na maaaring ipagkaloob sa mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, tinalakay rin sa naging pulong ang AGRICOM Act, Agriculture and Fisheries Extension Act, at mga pagbabago sa Rice Tariffication Law.

Facebook Comments