Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7241 o panukalang batas na magpapahintulot sa pagpaparehistro ng mga botante online.
307 na mambabatas ang bomoto pabor sa panukala na mag-aamyenda sa Republic Act 8189 o Voter’s Registration Act of 1996.
Ginarantiyahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na daan ang panukala para mapahusay ang sistema ng pagpaparehistro sa bansa at upang matiyak ang malinis, kumpleto, permanente at updated na listahan ng mga botante.
Base sa panukala, kabilang sa maaaring isumiteng proof of residence sa pagpaparehistro ang tax declaration o patunay ng pagbabayad sa real property tax, utility bill, sinumpaang salaysay mula sa dalawang disinterested witness na nagpapatunay sa tirahan ng aplikante at iba pa.
Nakapaloob din sa panukala ang quarterly na paglilinis sa lisatahan ng registered voters kung saan tatanggalin ang mga namatay na matapos sertipikahan ng Philippine Statistics Authority.