Panukalang batas sa pagpapaliban ng barangay at SK Elections, hindi na kinakailangan sertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Duterte – ayon sa mga mambabatas

Manila, Philippines – Tiniyak ng Kamara na maipapasa ang panukalang nagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kahit hindi sertipikahan ni Pangulong Rodrido Duterte ito bilang urgent bill.

Sa interview ng RMN – sinabi ni Cibac Partylist Rep. Sherwin Tugna, Chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform na hindi na kailangan ng urgent bill dahil tiwala sila sa liderato ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maipapasa sa takdang panahon ang house bill 5359.

Una na kasing ipinanawagan ni Surigao Del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa Pangulong Duterte ang panukala bilang urgent bill.


Ito ay matapos na magpahayag si COMELEC Chairman Andres Bautista na dapat ng magdesisyon ang kongreso kung ipagpapaliban ang nasabing halalan dahil magsisimula na silang mag imprenta ng balota sa Hulyo 20.

Payo ni Tugna, maging handa ang COMELEC sa anumang magiging desisyon ng kongreso sa panukalang nagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Matatandaan na ipinagpaliban na noong Oktubre ng nakaraang taon ang brgy. at SK elections at muling itinakda sa Oktubre ngayong taon.

Facebook Comments