Panukalang BBL, sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Sinertipikahan as urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, matapos ang kanilang pulong kagabi kasama ang Pangulo.

Ayon kay Fariñas, bukas din ay ipapasa nila ang BBL sa ikalawa at ikatlong pagbasa bago mag-adjourn ang kongreso sa Miyerkules.


Aniya, magpupulong ang bicameral conference committee kahit na adjourn ang Kongreso para resolbahin ang mga conflict provisions ng BBL.

Isusumite aniya ng bicameral conference committee ang report para iratify sa July 23, 2018, kung saan magsasagawa ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang Pangulo.

Base sa inaprubahang BBL sa joint committee Kamara magkakaroon ang bubuuing Bangsamoro region ng sariling pulis at sundalo pero mananatili pa rin ito sa ilalaim ng PNP at AFP.

Kasama rin ang isyu ng opt-in provision kung saan itinatakda na maaring sumama sa sakop ng itatayong Bangsamoro entity ang isang lalawigan kung makakuha ng sampung porsyento ng rehistradong botante ang papabor dito sa gagawing plebesito.

Facebook Comments